ni Danny Estacio

MULANAY, Quezon- Napatay ang isang kawani ng municipal based state university ng kaniyang pinsang buo makaraang ang mainityangh pagtatalo ng magkita sa isang tindahan sanhi umano ng pangbubuly sa Barangay Poblacion 2, noong Sabado ng umaga ng bayang ito.

Sa ulat ang biktima ay nakilalang si Mario Decena, 68, empleyado ng Polytechnic University of the Philippines (PUP-Mulanay branch), samantalang ang suspek ay si Edwin Decena, 46, walang trabaho at kapuwa naninirahan sa nasabing lugar.

Dakong alas-8:30 ng umaga nagkita ang magpinsan sa isang tindahan at habang nasa kalye ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo na nauwe sa pamamaril ng suspek.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Base sa pagsisiyasat ng Mulanay PNP ang pinag-ugatan ng alitan ng magpinsan ay ang ginagawang pangbubully umano ng biktima na ikinagalit ng suspek, ayon sa ulat ni Police Major Leonardo Suarverdez, hepe ng Mulanay Municipal Police Station.

Ang biktima ay naisugod pa sa pagamutan, ngunit hindi na umabot pa ng buhay sanhi ng mga tama ng bala mula sa kalibre 45.

Ang suspek ay pinaghahanap ng pulisya na tumakas matapos ang ginawang pamamaril sa kaniyang pinsan.