ni Leonel M. Abasola
Nanawagan si Senator Francis “Kiko” Pangilinan sa pamahalaan na mamahagi ng tulong-pinansyal sa mga residente ng Metro Manila at karatig lalawigan o ang sakop ng NCR-bubble dahil na rin sa patuloy na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
“Sabi nga sa nakita ko sa social media: Hindi lang quarantine, kwarta rin ang kailangan ng ating mga kababayan. Hirap na naman ang hanapbuhay kung ma-extend ang ECQ . “Importante hanapan ng solusyon, hanapan ng ayuda yung budget.
Aniya, isinusulong na niya at nina Senators Nancy Binay, Leila De Lima, Franklin Drilon, Risa Hontiveros, at Ralph Recto, na magkaroon ng Senate Committee of the Whole hearing at talakayin ito.
Iginiit pa ni Pangilinan na kung ang ECQ ay mananatili sa loob ng dalawa o tatlong Linggo, dapat ang testing, tracing at isolation ay isagawa ng maayos.
Nanawagan din si Pangiliunan sa mga residenteng saklaw ng ECQ na mag-ingat at sundin ang mga health protocols lalo na ang social distancing, pagsuot ng face mask at shield at limitahan sa 30-minuto lang na nasa kabas,
Tinyak din ni Pangilinan na patuloy ang suporta ng Senado para makakuha ng mga solusyon at sa kanyang personal na pananaw buo din ang kanyang suporta sa hakbang ni Vice President Leni Robredo’s medical teleconsultation para sa mga may nararamdamang malapit ang senyales sa COVID-19 at sa mga tao na nakahalo nito.
“Baka pwede ring gawing national policy ito para mawala ang agam-agam at ma-engganyo na magpatest ang marami . Ang puno’t dulo ay sino pa ang magtutulungan, tayo-tayo rin,” dagdag pa nito.