ni Liezle Basa inigo
CAGAYAN----Patuloy ang pakikipag ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa tatlong kumpanya para mag-supply ng bakuna kontra Covid-19 virus sakalaing maaprubahan na ng National Inter Agency Task Force (NIATF) ang tripartite agreement ukol dito.
Ito ang tiniyak niDr. Carlos Cortina, Provincial Health Officersa staff ng Cagayan Provincial Information Office.
Napag-alaman na si Dr. Cortinaay nakipag-ugnayan nasa tatlong kumpanya na maaaring mapagbilhan ng Astrazeneca at Sinnovac para maialatag na rin ang massive vaccination plan ng Pamahalaang Panlalawigan.
Kailangan muna aniya na maaprubahan ang "tripartite agreement" sa pagitan ng Provincial Government ng Cagayan, kumpanya na mag su-supply ng bakuna at ng DOH-NIATF bago maisakatuparan ang pagbili nito.
May nauna ng inilaan ang Kapitolyo sa pamumuno ni Gov. Manuel Mamba na 50-milyong pisong pondo para pambili ng bakuna.
Ang 26-milyong piso ay nakalaan na sa 2021 Annual Budget na inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan habang ang 24-milyong piso ay nakasama sa panukalang Supplemental Budget para sa taong 2021 na kasalukuyang dinidinig sa Provincial Board, ayon pa sa report.
Nauna rito, ipinag utos ni Gob. Mamba kay Dr. Cortina na tiyakin na may makapag-su-supply ng bakuna sa Pamahalaang Panlalawigan oras na payagan na ng NIATF na bumili ang mga lokal na pamahalaan.