ALCANTARA— Nakataya ang solong liderato sa pagtutuos ng MJAS Zenith-Talisay City at KCS-Mandaue City sa pagpapatuloy ng aksiyon ngayon sa Visayas leg ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup sa Alcantara Sports and Civic Center sa Cebu.

Nakatakda ang duwelo ganap na 8:00 ng gabi.

Kapwa nanginbabaw ang Aquastars at Computer Specialists sa kani-kanilang opening day match sa kauna-unahang professional basketball league sa South, sa pagtataguyod ng Chooks-to-Go at sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB).

Nadomina ng Aquastars ang Bohol Mariners, 104-66, sa pangunguna ni Patrick Cabahug na kumana ng 22 puntos, habang pinagbidahan ni Gryann Mendoza sa naiskor na 17 puntos ang impresibong 66-46 panalo ng KCS sa Siquijor Mystics.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Iginiit ni KCS head coach Mike Reyes na mabigat na kalaban ang Talisay City na binubuo nang mga beterano at matitikas na players na may karanasan na sa pro league.

“This will be the real test of who we are as a team. How we will be able to execute on defense will be the key,” pag-aamin ni Reyes.

Hindi naman dapat magkumpiyansa ang MJAS Zenith at ayon sa Aquastar skipper na si Paulo Hubalde, bawat koponan ay determinadong mangibabaw at makalikha ng kasaysayan.

“Na-scout namin game nila and we’ve made adjustments on how they attack and marking their main guys,” sambit ni Hubalde, nakatala sa kasaysayan ng liga bilang kauna-unahang player na nakapuntpos sa liga. “We have a game plan for them.”

Target din ng ARQ Builders-Lapu-Lapu City Heroes ang ikalawang panalo sa pakikipagtipan sa Dumaguete Warriors ganap na 2: ng hapon sa three-game bill. Nanaig ang Heroes sa Tabogon Voyagers, 75-61, nitong Sabado.

Inaasahan ni ARQ head coach Francis Auquico na mas magiging mabagsik ang Warriors, target na makabawi sa tinamong 105-100 kabigaun sa Siquijor sa unang laro.

“We expect them to play hard and they will bounce back kasi nung first game nila natalo sila,” aniya. “Yun kasi ang delikado, a team na galing sa talo.”

“During our practice yesterday, nag focus po kami sa offense namin because sa last game, medyo masama yung execution naming. We are telling our players to adjust sa kanilang mga kasama because some of them, bago palang nagsama sa isang team.”