ni Light A. Nolasco
BONGABON, Nueva Ecija-------Walo katao ang inaresto ng pulisya ng magkasanib na puwersa ng 1st PMFC at Bongabon PS sa ikinasangillegal gambling activities (Tupada') sa Brgy. Ariendo ng naturang bayan kamakalawa ng hapon.
Isa-isang pinagdadampot ng raiding team ang mga suspek na sinaAbad Gregorio, 56, tricycle driver, Ramon Gonzales, 62, ng Brgy. Cruz;John Mike Manuzon, 18, laborer, Darwin Valdez, 40, laborer, Henry Corpuz, 49, construction worker, ng Brgy. Arienda; Jevin Inovero, 32,magsasaka, ng Brgy. Vega; Maximo Aquino, 62, vendor, ng Brgy. Lusok;at Teofilo Cabuhat, 64, ng Brgy. Kaingin ng naturang bayan.
Ayon sa raiding team, dakong alas--3:30 ng hapon nang mahuli saakto ng illegal cockfighting ang mga suspek na di-namalayan ang pagsalakay ng mga awtoridad sa lugar.
Nasamsam sa posesyon at kontrol ng mga ito ang 5-fighting cocks,mga pares ng tari, ay bet money na P1,100 cash at iba pang gambling para-perhnalia.
Nasa kostudiya na ng pulisya ang mga nasakoteng nagsasagawa ng illegal na 'tupada' sa nasabing barangay. Kasong paglabag sa PD 1602 ang isinampang kaso sa Piskalya o illegal anti -gambling Law laban sa mga suspek.