ni Bella Gamotea

Patay ang tatlong drug suspect matapos makipagbarilan sa mga pulis at marekobre ang P81.6 milyong pisong halaga ng umano’y shabu sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Pasay City at Parañaque City kaninang madaling araw ng Linggo,Abril 11.

Sa ulat ni National Capital Region Police (NCRPO) Chief, Major General Vicente Danao Jr.nagkasa ng buy-bust operation ang pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng NCRPO RID, ANCAR, RSOG, RDEU, RFMB kasama ang PNP DEG at Pasay City Police na nagresulta ng pagkamatay ng dalawang drug personalities na kinilala lamang sa alyas Domeng at alyas Rey, sa naganap na enkwentro sa Merville, kahabaan ng C-5 Extention, Barangay 201 sa Pasay City, dakong 3:10 ng madaling araw ng Linggo.

Narekober mula sa mga suspek ang isang pack na teabag na naglalaman ng 1 kilo ng umano’y shabu; anim pang pack na teabag na tumitimbang ng 6 kilo ng sinasabing droga na tinatayang P47,600,000 milyong piso;isang brown Adventure na may plakang

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

NCV 3593;dalawang P1,000 genuine bill at boodle money na P1,500,000 na ginamit na buy-bust money sa operasyon ng awtoridad at ang dalawang hindi matukoy na kalibre ng baril na may kasamang magazine.

Ayon sa inisyal na report,unang nagsagawa ng serye ng intelligence information gathering, monitoring at surveillance ang mga awtoridad hanggang sa positibong matukoy ang dalawang suspek maging ang distributor ng iligal na sa Metro Manila at karatig probinsiya.

Ang pangunahing pinagmulan ng supply ng iligal an droga ay mula sa mga dayuhang Chinese nationals at iba pang Pilipino/ Muslim contacts.

Subalit sa gitna ng operasyon,nakatunog umano ang mga suspek na mga alagad ng batas ang kanilang katransaksiyon na nauwi sa palitan ng putok ngunit agad silang napuruhan na naging sanhi ng kanilang agarang kamatayan.

Samantala sa isa pang buy-bust operation na isinagawa ng mga elemento ng PNP-DEG, RID, RDEU, RMFB, ANCAR, Paranaque City Police Station at RSOG-NCRPO, na humantong din sa enkwentro na ikinamatay ng isang alyas Richard, sa kahabaan ng West Service Road, Bgy. Sun Valley, sa Parañaque City dakong 11:25 ng gabi.

Aabot sa 5 kilo ng ‘shabu’ na nakalagay sa teabag na nagkakahalaga ng P34 milyong pisong halaga ang nasabat mula sa suspek sa gitna ng operasyon.Bukod pa rito ang narekober na isang gray Mirage hatchback na may plakang AAO 2256;dalawang P1,000 genuine bill at P1,500,000 na boodle money na ginamit namang buy-bust money ng awtoridad;’ at isang maliit na hindi matukoy na kalibre ng baril.

Ang napatay na suspek ay kilala umanong distributor ng iligal na droga sa Metro Manila at karatig probinsiya kung saan ang kanyang pinagkukunan nito ay mga Chinese national at iba pang PinoyMuslim of illegal drugs operating within the areas of NCR and other nearby provinces which were sourced from foreign Chinese Nationals and other Filipino/Muslim contacts.

Dinala ang mga nakumpiskang ebidensiya sa crime laboratory para sa confirmatory testing.

"I commend the successful operation conducted by the joint elements of RID, RDEU, RMFB, ANCAR, PARANAQUE CPS, and RSOG together with PNP-DEG, which led to the confiscation of around 12kilos of suspected illegal drugs worth more or less 81.6 Million Pesos and neutralization of the suspects before they cause more harm to the lives of the operating team and other people present in the area. Indeed, deaths during the conduct of anti-illegal drug operations were deeply discouraged and is extremely unnecessary unless compelled by the situation. Thus, we plead cooperation from our citizenry especially those engaged in illegal activities to once and for all seize from your illegal operations because NCRPO will not hesitate to enforce the law and protect our people at all cost, pahayag ni NCRPO chief MGen Danao Jr.

Aaniya ang serye ng anti-illegal drug operations sa Metro Manila ay suporta sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na paigtingin pa ang kampanya laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.