NAGBALIK ang tikas ni eight-time Illinois USA Champion International Master Angelo Abundo Young matapos maghari sa Gerardo Cabellon online chess tournament nitong Sabado sa lichess.org platform.
Ang 1982 Philippine Junior Champion at 1982 Asian Junior third placer na tangan ang IM Supergelo 12 sa Lichess ay tumapos ng 70 points sa 26 games na may win rate 81 percent at performance rating 2573 para magkampeon sa 1-day event na nilahukan ng 273 woodpushers sa mundo.
Ang online tournament ay may time control one minute , increment two second at paramihan ng panalo sa two hours of play ang mga kalahok ayon kay 1996 Philippine Junior Champion at Bayanihan Chess Club secretary-general Fide Master Robert Suelo Jr.
“I’m very happy to win again, especially in an tough tournament like this,” sabi ni Young na tumapos ng eighth overall sa +50 division ng 2019 World Seniors Chess Championships sa Bucharest, Romania.
Tampok din si Noel Jay Estacio na ipinagmamalaki ng San Dionisio, Iloilo na nakuha ang second spot na may 59 points sa 26 games at win rate 77 percent na may performance rating 2539.
Nasa third place ay si 13-time Philippine Open Champion Grandmaster Rogelio "Joey" Antonio Jr. na may 58 points sa 30 games na may win rate 67 percent na may performance rating 2464.
Ang mga nakapasok sa top 10 ay sina Kevin Arquero (fourth, 57 points), Candidate Master Chester Neil Reyes (fifth, 50 points), Richard Natividad (sixth, 48 points), Bong Anas (seventh,48 points), National Master Gerry Cabellon (eight, 47 points),Bonn Rainauld Tibod (ninth, 48 points) at National Master Rommel Ganzon (tenth, 47 points)