Ang pagsasabatas ng Republic Act 11524 o mas kilala bilang Coconut Famers and Industry Trust Fund Act (or Coco Levy Act) ay mas nagbibigay pansin sa kahalagahan ng coconut industry. “Can we call the coconut industry a sleeping giant?” tanong ni Agriculture Secretary William Dar sa isang sanaysay na sinulat niya noong 2019. Ang kanyang sagot ay “It is the third most dominant crop, after rice and corn. While the productivity of rice and corn has been steadily increasing, the country’s coconut farms need a shot in the arm.”
Ang bagong batas na ito ay mula pa sa 50-year Coconut Farmers and Industry Development Plan sa ilalim ng pagtatanggol ng Philippine Coconut Authority (PCA). Ito ay doble ng kasalukuyang Philippine long-term development plan na tinatawag na AmBisyon 2040 na nagsimula noong 2015 at pinangunahan ng National Economic and Development Authority (NEDA).
Bilang kahingian ng batas, ang PCA Board na pinamumunuan ng Secretary of Agriculture at sinamahan ng iba pang secretary ng finance, budget and management, trade and industry at science and technology, PCA administrator at tatlong kinatawan ng coconut farmers sector (tig-iisa mula sa Luzon, Visayas at Mindanao).
Noon ay ginagamit ang pondo ng coconut levy sa pagpapatayo ng isang commercial bank, ang United Coconut Planters Bank (UCPB), makakuha ng substantial foothold sa San Miguel Corporation, at makontrol ang ilang oil mills na bumubuo ng 80 per cent ng industry output.
Ang planong pagbabalik ni Secretary Dar para sa coconut industry ay kailangang maibahagi ng tama: una, isang hybrid planting program na magtataas ng 300 nuts kada puno kada taon kapareho ng sa India at Brazil, isang eight-fold increase mula sa current output; pangalawa, aggressive promotion ng coco methyl ester (CME) blend sa local diesel fuel mula 2 hanggang 5 na porsiyento; pangatlo, pagsali sa malaking export market para sa coconut water at milk; pang-apat, intercropping sa mga coconut farms; panglima, pagtaas ng lupa na nakalaan sa coconut planting sa pamamagitan ng multilevel farming.
Animnapu’t walo sa 81 na probinsiya sa ating bansa ay coconut-growing areas, habang ang lugar para sa mga coconuts ay 3.6 milyong ektarya o 26 na porsiyento ng kabuuang agricultural lands ng Pilipinas. Ngunit ang 3.5 milyon na coconut farmers ay nahihirapan pa rin mabuhay sa pang araw-araw kahit na ang Pilipinas ay laging isa sa mga nagungunang coconut exporter sa mundo.
Malinaw na si Secretary Dar at ang mga kasamahan niyang miyembro ng gabinete na nakaupo sa board ng Philippine Coconut Authority ay hindi na kailangan pang paalalahanan ng sikat na kasabihan na, “Use your coconuts.”