ni Beth Camia
Kaisa ng mga Pilipino, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Rodrigo Duterte kay Queen Elizabeth II, kaugnay sa pagpanaw ng asawa nitong si Prince Philip, Duke of Edinburgh.
“On behalf of the Filipino people, President Rodrigo Roa Duterte extends his deep condolences to Her Majesty Queen Elizabeth II on the passing of her beloved husband, His Royal Highness Prince Philip, Duke of Edinburgh.” ani Secretary Roque.
Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, ang Pilipinas at United Kingdom ay mayroong matibay na bilateral ties, at nakikidalamhati aniya ang Pilipinas, sa panahon ng pagluluksa ng Britanya.
“The Philippines and the United Kingdom have strong bilateral ties and we share the grief of the British people in this period of bereavement,” saad ni Secretary Roque.
Ayon kay Roque, ipananalangin ng Malacañan ang kapayapaan ng kaluluwa ni Prince Philip, at katatagan para sa Royal Family sa panahon ng pagdadalamhati ng mga ito.
“We pray for the eternal repose of his soul and for The Royal Family to find strength in this time of mourning,” pahayag ni Roque.
Biyernes, April 9, 2021, nang ianunsyo ng Bukingham Palace ang pagpanaw ni Prince Philip sa edad na 99.