ni Bert de Guzman

Tinapos ng House Committee on Government Enterprises and Privatization sa pamumuno ni Parañaque Rep. Eric Olivarez ang pagdinig tungkol sa plano na isapribado ang Talavera Water District sa Nueva Ecija.

Ginawa ang pagdinig bunsod ng privilege speech ni Nueva Ecija Rep. Estrellita Suansing hinggil sa planong privatization na umano'y magdudulot lang ng negatibong epekto sa mga residente ng bayan at ng lalawigan.

"The privatization would have potential negative effects on the residents," ani Suansing.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Pinagtibay ng komite ang mosyon sa resolusyon na suspendihin ang lahat ng magkasanib o joint venture contracts sa pagitan ng local water districts at ng mga pribadong proponent.

Tungkol naman sa posibleng mga paglabag na ginawa ng appointing authority ng Talavera Water District para sa mga board members, pinagtibay ng komite ang mosyon na i-refer muna ito sa kaukulang komite para masuri at mapag-aralang mabuti.