ni Beth Camia

Pagkatapos ng ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, nagtakda na ng petsa ang Korte Suprema sa pagpapatuloy ng naudlot na oral arguments sa usapin ng Anti-Terrorism Act.

Ayon sa kay Supreme Court Clerk-of-Court Atty. Marife Lomibao Cuevas, itutuloy ang oral arguments sa Anti-Terror law dalawang linggo matapos ang pagpapatupad ng (ECQ).

Sinabi ni Cuevas na ito ay partikular sa mga petsang April 27, May 4, at May 11 ng taong kasalukuyan.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Sa pamamagitan ng video conferencing, at live audio streaming isasagawa ang oral arguments para mas makapanood at makapakinig ang publiko.