ni Mary Ann Santiago

Umaabot na sa 817 na pulis-Maynila ang kumpirmadong dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) at apat sa kanila ang sinawimpalad na bawian ng buhay.

Ayon kay Manila Police District (MPD) Director PBGen. Leo Francisco, sa ngayon ay 100 pa sa mga ito ang aktibong kaso ng sakit at kasalukuyan pang nagpapagaling sa quarantine facilities.

Nasa 712 sa mga ito ang gumaling na.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Aniya, huling namatay sa karamdaman si PSSg Cenen Evangelista na nakatalaga sa MPD-Traffic and Enforcement Unit.

Nabatid na nakapagpabakuna pa si Evangelista ng Sinovac noong Marso 31 ngunit natuklasan na bago pa siya nagpabakuna ay nagpositibo na pala siya sa COVID-19 ngunit asymptomatic lamang.

Nitong Abril 7 ay binawian ito ng buhay sa isang ospital sa Maynila.