ni Dave M. Veridiano, E.E
PIRMADO na ang bagong “concession agreement” sa pagitan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at pribadong kumpaniyang Manila Water Company Inc., na ayon sa mga eksperto sa water supply industry ay malaking panalo para sa mga consumer. Nakapaloob din sa kasunduan ang pagpapalawig ng 15 taon o hanggang Hulyo 31, 2037 sa serbisyo ng Manila Water sa Metro Manila at ilang kanugnog lalawigan.
Todo ang pagmamalaki ni MWSS Board Chairman at Acting Administrator Reynaldo Velasco sa bagong pirmang ‘concession agreement’ na ito. Aniya: “The contract is both advantageous to the Government, a big win for the Filipino people and the consuming public, and that it is commercially and economically viable to the investors and concessionaires.”
Sa isang banda, mukhang malaki ang tama rito ni Chairman Velasco dahil nakita ko mismo ito nang busisiin ko ang kontrata na nagpapakitang protektado nga ang kapakanan ng mga consumer. Unang-una na tumawag ng aking pansin ay ang bahagi nitong nagsasabi na hindi na maipapatong sa mga bills natin ang buwis na kung tawagin ay “corporate income tax” na dapat ay sinasagot lamang ng Manila Water. Wow – malaking bagay ito!
Ang ilan pang bahagi nito na kapaki-pakinabang at proteksyon para sa mga consumer ay ang mga sumusunod: Tariff freeze until December 31, 2022; tariff adjustment for inflation will be two-thirds of the consumer price index unlike the previous contract which had a 100 percent inflationary impact; and removal of the foreign currency differential adjustment that will result in much lower tariff increases, and protect the consumer from possible tariff spikes because of foreign exchange movements.
At bilang proteksyon para sa pamahalaan ay ang pag-aalis ng tinatawag na “government non-interference clauses; and removal of provisions that duly compromise medium and long-term government liabilities.” Nangangahulugan ito nang pagtanggal sa anumang pananagutan ng pamahalaan sa lahat ng magiging pagkakautang ng Manila Water sa darating na mga panahon habang nagseserbisyo ito sa consumers.
At upang maprotektahan ito, kinakailangan na dumaan sa pagre-review at approval ng mga regulatory office ng pamahalaan ang lahat ng gastos at pagkakautang ng Manila Water. Ang pinakahuli: “All fully recovered assets are immediately transferred to the government to ensure there is no double payment at the end of the contract, and Material Government Adverse Action (MAGA) is limited only to actions of the Executive so that the National Government is not liable for things outside of its control.”
Ayon kay Velasco bahagi ito ng pagpupunyagi ng administrasyon na protektahan ang kapakanan ng mga consumer at ng pamahalaan. Siyempre pinapurihan at pinasalamatan ni Chairman Velasco ang pamunuan ng Manila Water na buong pusong nakipagtulungan sa kanila upang maisara agad ang bagong ‘concession agreement’.
Ang kasunduang ito‘y katugma ng sa New Clark City joint venture agreement of the Bases Conversion and Development Authority (BCDA) na ginawa rin sa tulong at patnubay naman ng Asian Development Bank (ADB).
Pinasalamatan din ni Velasco ang mga opisyal ng tanggapan ng pamahalaan na umagapay sa MWSS sa pagbalangkas ng kasunduan. Sila ay mula sa Office of the Executive Secretary, Department of Finance, Department of Justice, Office of the Solicitor General, at ang Office of the Government Corporate Counsel, na may ilang buwan ding “nakipagbuno” upang agad matapos ang ‘concession agreement’ na pinirmahan ni Velasco bilang Board Chairman at Acting Administrator ng MWSS.
Oh ‘di ba, panalo rito ang bayan – yun lang sana dapat ‘di mabibili o mababayaran ‘yung mga magbabantay para siguradong ang kapakanan ng mamamayan ay ‘di mayapakan!
Mag-text at tumawag sa Globe: 09369953459 o mag-email sa: [email protected]