ni Fer Taboy

Kinondena kahapon ng Philippine Army ang patuloy na pasasagawa ng mga masamang hakbang ng mga pinaniniwalaang rebeldeng groupo sa Region 5.

Ayon sa reportnakarekober ang mga atoridad mula sa mga rebeldeng komunista ng 53 pirasong anti-personnel mines na tumitimbang ng apat hnggang limang kilo.

Kung maaalala ito’y kaugnay din ng nangyaring engkwentro sa pagitan ng tropa ng gobyerno at mga New People’s Army sa Barangay DelCarmen, Lagonoy, Camarines Sur na tumagal ng 20 minuto.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Kaugnay nito, sinabi ni Capt John Paul Belleza, Division Public Affairs Office (DPAO) Chief ng 9ID, Phil. Army, na nakiusap ito sa mamamayan lalo na doon sa mga sumusuporta sa mga rebelde na makipag-ugnayan na sa gobyerno.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente lalo na ang pag-alam sa kung paano nakaipon ng ganitong bilang ng mga pampasabog ang mga rebeldeng grupo.

Samantala, nagpasalamat din si Belleza sa mga residente ng naturang lugar na agad na nakipag-ugnayan sa kanila dahil hindi lamang umano ang mga sundalo ang posibleng malagay sa panganib gayundin ang mga inosenteng mga mamamayan.

Pinaniniwalaan ng militar ang naturang mga pampasabog ay planong gamitin ng mga rebeldeng groupo sa buong rehiyon.

Nananawagan ang militar  sa mga mamamayan lalo na ang mga nasa likod ng pagtulong sa mga rebeldeng  na huwag matakot at agad itong ipaabot sa mga awtoridad.