ni Mary Ann Santiago

May 34 na barangay sa lungsod ng Maynila ang hindi makakatanggap ng ayuda mula sa national government matapos umanong hindi magbigay ng kanilang listahan, ito ang malungkot na ibinunyag ni Manila Mayor Isko Moreno nitong Sabado.

Dismayado si Moreno dahil sa kawalan ng malasakit ng mga barangay chairman sa mga naturang lugar sa kanilang mga residente habang pinasalamatan naman ng alkalde ang ibang punong barangay na gumawa at nagsumite ng listahan para sa kapakanan ng kanilang mga nasasakupan.

Ayon kay Moreno, ang Manila Department of Social Welfare sa pamumuno ni Re Fugoso ay nag-o-overtime para lang maipamahagi ang ayuda sa mas maraming recipients sa mabilis na oras.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Sa Maynila, sinabi ni Fugoso na may 380,000 pamilya ang kinilala na tatanggap ng P4,000 SAP bawat isa, base sa listahan na binigay ng barangay chairman alinsunod sa utos ng alkalde.

Ang listahan ng mga nakatanggap na ng SAP ay naka-post sa social media ng alkalde para magkaroon ng transparency.

Pinili ni Moreno na cash ang ipamigay sa mga residente ng Maynila sa halip na in kind dahil nagbibigay na ang lungsod ng monthly food assistance sa ilalim ng kanilang food assistance program.

Ang mga food boxes na ipinamimigay ay naglalaman ng rice, canned goods at kape ay buwanang hinahatid sa bawat pamilya sa Maynila.

“May mga barangay na zero sa SAP dahil never tinulungan ng ka-barangay na ilista sila sa DSWD. Lahat tayo me pananagutan sa tao... me araw ng paghuhukom,” pagdidiin ni Moreno.

Ipinaliwanag naman ni Fugoso na ang listahang ginagamit sa distribusyon ng SAP ay binubuo ng listahan ng first tranche at second tranche, waitlisted na inaprubahan ng DSWD at ang 4Ps na mula rin sa DSWD.

Sa mga barangay na hindi nagbigay ng kahit na anong listahan ng recipients para sa SAP ang 20 barangay ay nagmula sa ika-5 distrito at Baseco, siyam ang mula sa ika-3 distrito at lima sa ika-4 na distrito.

Ang lungsod ng Maynila ay mayroong 896 na barangay.