ni Light A. Nolasco
Pansamantalang isinara ang operasyon ng lokal na pamahalaan ng Penaranda, Nueva Ecijaat sinuspinde ang trabaho ng mga kawani nito sa loob ng siyam na araw na lockdown (Abril 8 hanggang 16) upang bigyan-daan ang disinfection activities at iba pa, ayon kay Mayor Joselito Ramos.
Inirekomenda rin ng lokal na IATF ang nasabing lockdown dahil sa biglang paglobo o pagkahawa-hawa ng COVID-19 virus, pagsasagawa ng contact tracing, paglilinis, disinfection sa buong compound ng munisipyo at mga katabing istruktura.
Nakapagtala ng 11-residente na tinamaan ng virus sa Barangay Sinasajan, at tig-apat mga barangay ng Poblacion 2, San Josef at Sto. Tomasat 1 sa Poblacion I.
Nagpatupad din ng granular lockdown sa Liwasan Street sa Bgy. Sinasajan at Padilla Street sa Poblacion 2 sa loob ng m 14 na araw.
Muling nagpaalala ang alkalde sa mga nasasakupang mamamayan na manatili sa kani-kanilang tahanan at huwag ng magsilabas ng bahay kung hindi rin lamang mahalaga ang mga pakay.