ni Bert de Guzman
Patuloy sa pagtanggap ang House Committee on Health ng bagong mga report mula sa iba' tibang ahensiya at health institutions tungkol sa pagdagsa ng mga kaso ng COVID-19 kasama ang mga inisyatiba na ipinatutupad para tugunan ang krisis.
Ikinalungkot ni Committee Chairperson Rep. Angelina Tan ng Quezon ang mga ulat na punung-puno na ang mga ospital habang patuloy pa rin ang pagtaas ng ng mga aktibong kaso ng virus araw-araw.
Sa pagdinig, sinabi ni Health Undersecretary Rosette Vergeire na ang Metro Manila ay isinailalim na sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) "to slow down the surge of cases, stop the spread of variants, allow the health system to recover, and protect more lives.”
Samantala, iniulat naman ni Baguio City Mayor at contact tracing czar Benjamin Magalong na lumalala rin ang contact tracing sa bansa.
Ayon kay Magalong, pasisiglahin ng kanyang pangkat ang local government units (LGUs), magtatrabaho nang husto kasama ang Local Government Academy (LGA) sa pagsasagawa ng webinars, lulutas sa mga isyu hinggil sa Stay Safe application, susuportahan at tuturuan ang LGUs sa case analyses, at ang pagsusuri sa LGUs’ COVID-19 management at response.
Ipinaalam naman ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar sa komite na ang DPWH ay nakapagpatayo na ng mga bagong "quarantine isolation facilities, off-site dormitories for healthcare workers, as well as modular hospitals to increase intensive care capacity."