ni Bert de Guzman

Iginiit ng isang manggagamot na advocate sa paggamit ng Ivermectin ang bisa o efficacy nito bilang lunas sa Covid-19.

Sa pagdinig ng House Committee on Health, sinabi ni Dr. Allan Landrito, advocate ng Ivermectin, na ang droga ay may 99-percent efficacy rate.

Sinuportahan naman ni Dr. Pierre Kory ng Front Line COVID-19 Critical Care Alliance si Landrito, at sinabing ang Ivermectin ay napatunayan sa mga pag-aaral na ginawa sa ibang mga bansa, na isang epektibong prophylaxis sa virus.

National

DepEd, pinabulaanang tatanggalin K-12 sa S.Y 2025-2026

Gayunman, sinabi ni Acting World Health Organization (WHO) Philippines representative Dr. Rabi Abeyasinghe, na hindi sapat ang mga pagsubok at pag-aaral na ginawa para isulong ng WHO ang paggamit ng Ivermectin bilang anti-COVID drug.

Nilinaw ni Food and Drug Administration Director General Eric Domingo na hindi ipinagbabawal ng kanyang ahensiya ang Ivermectin, pero pinaalalahanan ang publiko sa pagbili at paggamit nito dahil ang droga ay dapat pang makakuna ng isang Certificate of Product Registration (CPR) o ng Compassionate Special Permit (CSP).

Kabilang sina Reps. Enrico Pineda (Party-list, 1-PACMAN) at Michael Defensor (Party-list, ANAKALUSUGAN) na naalpasan ang COVID-19 at gumaling dahil sa Ivermectin, sa mga kongresista na nagwe-welcome sa Ivermectin bilang gamot.