ni Leandro Alborote

Naalarma ang mga kawani ng Sitel Site 3 Building sa Barangay San Miguel, Tarlac City matapos makatanggap na may inilagay na bomba sa naturang gusali nitong Sabado.

Ang bomb treat ay tinanggap ni Mary Grace Magaodao, 28, ng Sitel Sector Lead ng Zone B, San Miguel, Tarlac City at direktang ipinaalam sa Police Community Precint (PCP)- 4, San Miguel, Tarlac City na kaagad namang inaksiyunan ang report ni Tarlac Police Chief Lieutenant Colonel Modesto F. Carrera para ma-cordon ang lugar.

Nakipag-ugnayan si Carrera sa EOD Team ng Camp Macabulos, Tarlac City na inantabayanan ni Police Executive Master Sergeant Jaime Bersa sa ilalim ng superbisyon ni Police Lieutenant Marinette B. Macapallag, pinuno ng EOD ng nasabing kampo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pang pina-follow up ng pulisya ang bomb threat sinusuri ang kapaligiran ng gusali.