ni Jun Fabon

Namatay ang isang 55 anyos na lalaki makaraang mahulog mula sa sanga ng puno ng kaymito, ayonsa ulat ng pulisya sa Quezon City nitong Biyernes.

Base sa ulat ni PLt. Col. Elmer Monsalve, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), kinilala ang lalaki na si Adelberto Joseph E. Peña,

55, binata ng Faris Street, Barangay Saint Ignatius, Project 4, QC.

National

Pagreorganisa sa NSC, mahalaga sa pagpapaigting ng seguridad ng PH — Año

Nabatid sa imbestigasyon, dakong 7:20 ng umaga nitong Biyernes, umakyat si Peña sa bubong kanilang bahay para mamitas ng hinog na bunga ng kaymito mula sa puno nito na katabi ng kanilang bahay.

Tinangka umano ng matanda na lumipat sa nasabing punk subalit nang

kumapit siya sa malaking sanga ay biglang bumigay ito at tuluyang

nabali atsiya ay nahulog.

Lumitaw sa imbestigasyo, una ang ulo nang bumagsak ang biktima sa

matigas na lupa at nagtamo ng matinding pagkalasog ng katawan na agad

siyang binawian n buhay ayon sa rumespondeng mga tauhan ng SOCO-QCPD.