Ang pag-arangkada ng digital transformation ay isa sa pag-unlad na napapakinabangang dulot ng pandemya. Dumadaan sa digital technology ang lahat ng kada araw na transaksyon, lalo sa online buying at pagbebenta ng pagkain, mga gamot at iba pang essential goods at serbisyo.
Pinakamahalaga, ang mga ginagamit para sa epektibong pagtugon laban sa COVID-19 na kinabibilangan ngprevention, detection, isolation at tracing na pawang nagagawa sa tulong ng digital tools.
Ito ang nilalayon ng Philippine Identification System (Philsys) sa paglikha ng proyektong Phil ID na dapat na pahalagahan. Matatandaang noong unang magpairal ng enhanced community noong Marso ng nakalipas na taon, inoobliga ng gobyerno ang
mass media employees na kumuha ngspecial identification cards. Kahit ang mga manualworkers ay inoobliga rin na magpakita ng proof of identity sa mga police checkpoint.
Halos limang dekada na nang unang ipanukala ang konsepto noong rehimen ni Marcos. Noong 2005, isinagawa ang biggest advance nang maglabas ang noo’y Pangulo na siGloria Macapagal Arroyo ng Executive Order No. 420 upang lumikha ng Unified Multi-Purpose Identification (UMID) system na sumasaklaw ng mahigit 20 million SSS, GSIS, PhilHealth, and Pag-IBIG members at ito ay pinagtibay ng Korte Suprema.
Nitong Agosto 6, 2018, pinirmahan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte upang maging batas angPhilippine Identification System Act (Republic Act 11055). Hindi nasimulan ang pagpapatupad nito bunsod na rin nang pagbibitiw niEconomic Planning Secretary Ernesto Pernia sa puwesto noong Abril ng nakaraang taon. Bilang lead agency, inapura ngNational Economic and Development Authority (NEDA) sa pmumuno ni Acting Secretary Karl Kendrick Chua ang proyekto.
Inatasan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gawin ang ID cards sa pamamagitan ngsecurity printing plant nito.
Nitong nakaraang taon, gumawa ito ng tatlongmilyong cards. Maaaring hanggang 70 milyon ang produksyon nito batay na rin sa kasalukuyang kapasidad nito.
PaliwanagniBSP Governor Benjamin Diokno, biometric-based ang Phil ID na may sapat na layers of security upang makaiwas ang anumang iligal na pggamit ng impormasyon.
Ito ang magbibigay sa mga bangko na gamitin ang know-your-customer (KYC) rules upang matiyak ang fool-proof identity verification sa pagbubukas ng accounts at iba pang transaksyon. Dahil panumunuan ng BSP ang inter-agency coordinating body aa implementasyon nito, isinusulong ni Diokno ang paggamit ng Phil ID sa pagpapalawak ng financial inclusion. Pinalakas pa ito kamakailan nang maglabas si Duterte ng
Executive Order 127, na nag-aamyenda da EO 467, “liberalizing access to satellite services, which in turn will open opportunities for telecommunication companies to provide better Internet services and access nationwide.”
Sa obserbasyon naman ni dating Economic Planning Secretary Cielito Habito nitong nakalipas na taon na sa gitna nang pagbuntot ng bansa sa mahigit sa 100 bansa na mayroon ng national IDs, kaya pa ring humabol ng Pilipinas sa pagtulad sa teknolohiya ng ibang mga bansa kung saan nakagawa sila ng mga hakbang laban sa pandemya.
“Still, questions remain on whether it could put people’s privacy at risk, or be misused by government. But one could well reason that anything, even good things, when placed in the wrong hands, could be misused for the wrong ends. Can we trust government to responsibly use the national ID only to promote the greater good? Ultimately, it’s up to us to choose leaders who will,” pangamba pa nito.