ni Genalyn Kabiling
Nangako ang United States (US) na ipagtatanggol nito ang Pilipinas laban sa China kaugnay nang pilit na pag-angkin ng mga Tsino sa South China Sea.
Ang hakbang nt U.S. at kasunod nang pangamba nito kaugnay ng pananatili ng mga Chinese vessel sa nasabing karagatan na naging ugat ng tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.
Paliwanag ng U.S., asahan na ng Pilipinas ang suporta nito sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.
Kahapon, nag-usap sa telepono sina U.S. Secretary of State Anthony Blinken at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin at kabilang sa tinalakay ang aktibidad ng mga Tsino sa lugar.