ni Bella Gamotea

Isang drug suspect ang inaresto ng awtoridad habang narescue ang kasama nitong menor de edad sa isang buy-bust operation sa Makati City,nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Allan Baltao y Abelia,alyas Bayaw,44, binatan, at residente sa Barangay Bangkal, Makati City habang nasagip naman ang kasama nitong 17-anyos na binatilyo na itinago sa alyas JB.

Sa ulat ni Southern Police District SPD) Chief, Brigadier General Eliseo Cruz, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug enforcement Unit sa pangunguna ni Lt. Mark Anthony Farinas sa No. 2910 P. Binay Street, Bgy. Bangkal,sa Makati City na ikinaaresto ni Baltao dakong 7:15 ng gabi.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Ayon sa pagsisiyasat ni Cpl Francisco Dela Cruz, may hawak ng kaso, binentahan umano ng suspek na si Baltao ng isang pakete ng umano’y shabu sa halagang P500 sa police poseur buyer sa lugar na sanhi ng kanyang agarang pagkakaaresto habang narescue naman ang kasama nitong menor de edad.

Nasamsam sa suspek ang isang itim na pouch; 10 pirasong pakete na naglalaman ng hinihinalang 16 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P108,800;Xiaomi Redmi cell phone at P500 buy-bust money.

Dinala ang mga nasabat na ebidensiya sa SPD Crime Laboratory upang suriin.

Nakakulong ang suspek sa custodial facility sa Makati City Police Station at mahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 habang ang narescue na minor ay nasa pangangalaga ng DSWD