Nais ng maraming customer na magkaroon ng kakayahan na malaman kung saan napupunta ang kanilang mobile data at ma-kontrol kung paano ito gamitin. Kaya naman inilunsad ng Globe ang Data Manager para matugunan ang pangangailangan na ito.
Nagbibigay ang Data Manager sa mga Globe at TM customers na gumagamit ng Android ng mas malawak na pag-unawa sa pagkonsumo ng data. Ito ay sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga apps na madalas nilang buksan at pagbibigay sa kanila ng pagkakataon na mamili alin dito ang pwedeng gumamit ng data. Sa ganitong paraan, maaaring magamit lamang ang data sa mga aktibidad na mahalaga sa customer.
“Importante sa amin na mabigyan ang customers ng kakayahan lalo na sa ganitong panahon na walang katiyakan ang mga pangyayari. Sa tulong ng teknolohiya, naihahatid namin ang kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng mga simple pero kapaki-pakinabang na mga paraan na madali nilang magagamit,” ayon kay Beck Eclipse, Globe Chief Customer Experience Officer.
Pinahahalagahan ng Globe ang pinaghirapang pera na ginugugol ng mga customer para sa data at nais ng kumpanya na matiyak na ginagamit ito alinsunod sa kanilang mga pangangailangan.
Gayunpaman, may mga pagkakataon na hindi alam ng mga customer na ang kanilang data ay ginagamit ng mga apps na patuloy na tumatakbo kahit naisara na. Ito ay nagreresulta sa persepsyon na ang kanilang data ay kinakain kahit na walang paggamit. Ang mga sitwasyon na ito ay maaaring ihinto ng Data Manager para mabigyan ang mga customer ng katiyakan na hindi masasayang ang kanilang data.
"Sa nakaraang taon, nakita namin kung paano unti-unting naging kritikal ang pag-konek sa internet. Kaya naman patuloy naming pinagbubuti ang aming mga channels para magkaroon ng kontrol ang aming mga customers sa kanilang Globe account at mapanatili silang konektado," dagdag ni Eclipse.
Maaaring ma-access ng mga customers ang Data Manager sa pamamagitan ng pag-download ng GlobeOne app sa http://onelink.to/mg9tg8. Ang GlobeOne ay ang katulong na app ng mga customers para sa mga bagay na may kinalaman sa kanilang Globe account - mula sa pagsubaybay sa paggamit ng data hanggang sa pagbabayad ng kanilang mga bills, pag-subscribe sa mga promos, at marami pang iba.
Mahigpit na sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals, partikular ang UN SDG No. 9 na nagtatampok ng mga gampanin ng imprastraktura at innovation bilang kritikal na mga driver ng paglago at pag-unlad ng ekonomiya. Nakatuon ang kumpanya na itaguyod ang 10 prinsipyo ng United Nations Global Compact at 10 UN SDGs.