ni Bert de Guzman

Inimbestigahan ng House Special committee on creative industry and performing arts noong Huwebes ang isyu ng online piracy na naging laganap noong Metro Manila Film Festival (MMFF).    

Ang pagsisiyasat ay ginawa ni Committee chairman Christopher De Venecia ng Pangasinan sa pamamagitan ng House Resolution 1588.

Iniulat ni Film Director Quark Henares, puno ng Globe Studios, na tinamaan ang MMFF ng 90-percent decrease sa benta ng mga tiket noong nakaraang taon.    

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Ayon kay Henares, maiuugnay ito sa biglaang pag-shift sa online streaming, kakulangan ng star vehicle, at ang pagsulpot ng online piracy.      Hiniling ng komite sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magsumite ng isang marketing plan, tingnan at lunasan ang mga posibleng butas sa promotional initiatives ng okasyon.    

Nangako si De Venecia na makikipag-partner ang komite sa ibang ahensiya ng gobyerno sa pagkakaloob ng mga solusyon sa mga isyu na nararanasan ng creative industries.

Samantala, pinagtibay ng komite ang report ng substitute bill sa House Bills 4692, 6476 at 8101 hinggil sa promosyon at development ng Philippine creative industries.