TUMULAK patungong Uznekistan nitong Biyernes ang grupo ni Rio Olympic weightlifting silver medalist Hidilyn Diaz para sumabak sa 2021 Asian Weightlifting Championships.

Ang kanyang pagsabak sa Tashkent tournament ang magsisilbing final step para opisyal na maging kwalipikado sa darating na Tokyo Olympics.

Sinadýa nina Diaz, ng kanyang Chinese Coach na si Kaiwan Gao at strength and conditioning coach na si Julius Naranjo na magtungo sa kapitolyo ng Uzbekistan, isang linggo bago idaos ang kompetisyon para makapahinga mula sa mahaba at nakakapagod na biyahe.

Umalis sila sa Malaysia ganap na 2:00 ng umaga sakay ng United Emirates Airlines at inaasahang darating ng Dubai pagkaraan ng pitong oras na paglalakbay sa himpapawid.At matapos ang 17 oras na layover muli silang sasakay ng eroplano para sa tatlong oras na paglalakbaý patungong Tashkent.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang nasabing continental championships na idaraos sa Abril 15 - 25 ay isang qualifier para sa Tokyo Games.Ito rin ang pang-anim at huling International Weightlifting Federation-sanctioned tournament na kailangang salihan ni Diaz para makalahok sa Olympics sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Kailangan lamang ni Diaz na bumuhat doon at kahit hindi siya magwagi ng medalya ay makakapasok sya sa Tokyo Olympics.

“Ang Olympics ang pinaka importanteng competition sa akin.Parang last tune up ko na ito bago yung Tokyo Olympics, " pahayag ng 2016 Rio Olympics silver medalist sa women’s 53 kgs.

Sa Tokyo, nakatakdang sumabak si Diaz sa mas mataas na weight class na 55 kgs.Marivic Awitan