Ni Edwin Rollon

ALCANTARA— Kumabig at agad ding nagparamdam ang ARQ Builders-Lapu-Lapu City Heroes tungo sa impresibong 75-61 panalo laban sa Tabogon Voyagers sa ikalawang araw ng aksiyon sa Visayas leg ng 2021 Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup nitong Sabado sa Alcantara Sports and Civic Center sa Cebu.

Ratsada sa final period ang ARQ, tampok ang 11-0 run upang palawigin ang walong puntos na bentahe sa pinakamalaking 25 puntos na kalamangan, 63-38.

Pinangunahan ng malapalos na si John Abad ang paghulagpos ng Heroes, tampok ang three pointer habang kumana ang dating Adamson Falcons big man na si Dawn Ochea ng walong sunod na puntos para sandigan ang Heroes sa unang panalo sa kauna-unahang professional league sa South, sa pangangasiwa ng Games and Amusements Board (GAB) at sa pagtataguyod ng Chooks-to-Go – ang Manok ng Bayan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Kumana sina Ochea at veteran wingman Reed Juntilla ng tig-12 puntos para sa ARQ, habang tumipa si Ferdinand Lusdoc, dating miyembro ng Basilan sa MPBL, ng 10 puntos at nag-ambag ang beteranong si Jojo Tangkay ng walong puntos, anim na rebounds at isang block.

“Di pa kami consistent especially sa second unit namin,” sambit ni ARQ head coach Francis Auquico. “Medyo doon kami nao-off pero we still have a couple of days of practice to work on that before our second game against the Dumaguete Warriors.”

Nanguna sina Jethro Sombero at Peter de Ocampo sa Voyagers sa nakubrang tig-siyam na puntoshad nine points each for the Voyagers.

Sunod na haharapin ng ARQ-Lapu Lapu ang Dumaguete sa Martes ganap na 2:00 ng hapon, habang target makanawi ng Tabogon laban sa Tubigon Bohol (0-1) ganap na 5:00 ng hapon.

Iskor:

ARQ-Lapu-Lapu (75) - Ochea 12, Juntilla 12, Lusdoc 10, Abad 9, Tangkay 8, Galvez 6, Senining 5, Mondragon 4, Cañada 3, Minguito 2, Berame 2, Arong 2, Regero 0, Solis 0.

Tabogon (61) - De Ocampo 9, Sombero 9, Diaz 8, Delos Reyes 8, Bringas 8, Lacastesantos 7, Bersabal 7, Vitug 3, Orquina 2, Arboleda 0, Caballero 0.

Quarterscores: 15-13, 38-28, 63-38, 75-61.