Ni Edwin Rollon

ALCANTARA – Umukit ng kasaysayan ang MJAS Zenith-Talisay City sa makasaysayang paglulunsad ng Chooks-to-Go Pilipinas VisMin Super Cup bilang unang koponan na nakapagtala ng panalo sa inaugural season ng Visayas liga ng kauna-unahang professional basketball league sa South sa dominanteng 104-66 panalo kontra sa Tubigon Bohol Mariners nitong Biyernes sa Alcantara Sports and Civic Center sa Cebu.

Sumabit din si Paulo Hubalde sa pahina ng kasaysayan bilang unang player na nakaiskor sa liga na itinataguyod ng Chooks-to-Go at sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB). Tumapos ang ABL veteran ng apat na puntos.

Nanguna si Patrick Cabahug sa naiskor na 22 puntos mula sa 9-of-16 shooting, dalawang rebounds, isang assist at isang block para sandigan ang Aquastar sa malaking panalo sa liga na sinimulan sa pagdiriwang ng bansa sa Araw ng Kagitingan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Umabante ang Aquastars sa 59-32 sa halftime.

“Yung opensa namin, naging maayos kasi maganda yung depensa namin,” pahayag ni Talisay City head coach Aldrin Morante.

“Maraming lapses sa defense. Sa first period, maraming silang fastbreak points and yung big men nila nakaka-score sa low post,” aniya.

Nag-ambag si Jan Jamon ng 14 puntos, habang kumana si Egie Mojica ng 11 puntos. Humirit din si Jaymar Gimpayanng 10 puntos, siyam na rebounds at tumipa si Jaymo Eguilos ng siyam na puntos, 11 rebounds, tatlong assists, isang steal, at isang blocks.

Nanguna si Pari Llagas sa Tubigon Bohol na may 19 puntos, anima na rebounds, apat na assists, at tatlong blocks, habang tumipa si Joseph Marquez ng 13 puntos at 11 rebounds.

Naitala rin ni Aquastar guard Paulo Hubalde ang kasaysayan bilang unang player na nakaiskor sa VisMin Cup. Tumapos ang dating ABL campaigner na may apat na puntos at tatlong assists.

Target ng Talisay na makopo ang ikalawang sunod na panalo sa pakikipagtuos sa KCS-Cebu City sa April 13 ganap na 2:00 ng hapon.

Bilang pagtalima sa ‘safety and health’ protocol, walang magarbong programa sa ligan a pormal na sinimulan sa makasaysayang jump ball sa presensiya ng mga local na opisyal sa pangunguna ni Alcantara Mayor Fritz Lastimoso. Ang munisipalidad ng Alcantara ay nananatiling zero Covid-19 case.

Iskor:

MJAS Zenith-Talisay City (104) - Cabahug 22, Jamon 14, Mojica 11, Gimpayan 10, Eguilos 9, Villafranca 8, Acuña 7, Hubalde 4, Casajeros 4, Menina 4, Ugsang 4, Dela Cerna 3, Cuyos 0.

Tubigon Bohol (66) - Llagas 19, Marquez 13, Casera 9, Dadjijul 7, Leonida 6, Montilla 5, Musngi 5, Ibarra 2, Apolonias 0, Cabizares 0, Tangunan 0.

Quarterscores: 28-18, 58-32, 84-52, 104-64