ni Mary Ann Santiago

Patuloy umanong humuhusay ang medical condition ni dating Pang. Joseph ‘Erap’ Estrada.

Ayon sa kanyang anak na si dating Senador Jinggoy Estrada, maganda ang tugon ng 83-anyos na dating pangulo sa kanyang COVID-19 treatment sa ngayon at stable rin ang functions ng mga organs nito.

“We are happy to report that my father seems to be responding well to treatment as his condition has steadily improved,” ani Jinggoy, sa kanyang Facebook post nitong Biyernes. “His other organ functions remain stable.”

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

“Doctors are now starting to slowly wean him off ventilator support,” aniya pa.

Kaugnay nito, patuloy na umaapela si Jinggoy sa publiko ng panalangin para sa mabilis na ikagagaling ng kanyang ama mula sa karamdaman.

Nananalangin rin siya na wala nang bagong kumplikasyon na makahadlang pa sa patuloy na paghusay ng kondisyon ng dating pangulo.

Matatandaang Marso 29 nang ibunyag ni Jinggoy na isinugod sa pagamutan ang ama at nakumpirmang dinapuan ito ng COVID-19.

Noong Abril 6, inilipat sa intensive care unit (ICU) si Erap nang lumala ang pneumonia nito at kinailangang lagyan siya sa mechanical ventilation