Target ni Asian and Southeast Asian Games skateboard gold medalist Margielyn Didal na magkwalipika sa Tokyo Olympics sa pakikipagpaligsahan sa Street World Championship 2021 sa Mayo 30 hanggang Hunyo 6 sa Rome, Italy.

Ang isang linggong paligsahan ay itinuturing bilang pangunahing antas o top tier ng Olympic qualification point earning competitions.

Nangangahulugan na ang unang tatlo o top three finishers sa men’s at women’s divisions ay diretsang a-advance sa quadrennial games kahit ano pa ang kanilang mga posisyon sa current Olympic rankings.

Ang 21-anyos na si Didal na namumuro o pinapaborang makamit ang isa sa 20 slots sa Summer Games na nakatakdang ganapin sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, ay kasalukuyang nasa No.14 at dapat na mas mataas pa rito dahil tatlong entries lang ang pinapayagan bawat bansa.Bert de Guzman

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!