ni Mary Ann Santiago

Pinahintulutan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang aplikasyon ng isang pagamutan para sa "compassionate use" ng anti-parasitic drug na Ivermectin sa mga tao.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, kahapon lamang aniya nila nabigyan ng special permit ang naturang pagamutan para magamit ang Ivermectin bilang panlunas sa mga pasyente ng COVID-19.

“Na-grant na iyong special permit for compassionate use [of ivermectin] kasi alam naman namin na investigational product ito against COVID-19. May isang ospital na nag-apply for compassionate use at na-grant na nga ng araw na ito,” paliwanag pa ni Domingo, sa Laging Handa briefing.

Politics

'Tunay na unity, hindi mabubuwag!' Dating senatorial slate ni Robredo, nag-reunion

Nauna rito, ang Ivermectin ay ginagamit lamang bilang anti-parasitic drug sa mga hayop.

Paglilinaw naman ni Domingo, ang naturang compassionate use permit ay iba mula sa nakabinbin na aplikasyon ng dalawang local manufacturers na nagnanais na mabigyan ng certificate of product registration ang Ivermectin.

Nabatid na sa ilalim ng compassionate use permit, pinayagan ang legal administration ng gamot sa bansa ngunit hindi iniendorso ng FDA ang kaligtasan at bisa nito.

Samantala, ang certificate of product registration naman ay nagpapahintulot sa mga manufacturers na maipagbili ang naturang gamot sa merkado at bibigyan ito ng garantiya ng FDA na ligtas ang epektibo.

Matatandaang ilang mambabatas at mga doktor na ang nagsusulong na magamit ang Ivermectin sa mga pasyente ng COVID-19 matapos na mapatunayan ang bisa nito, base sa sarili nilang karanasan.

Nanindigan naman ang FDA na dapat munang rehistrado ang Ivermectin bago tuluyang ireseta at ipagamit sa mga tao.