ni Bella Gamotea
Tatlong drug suspect kabilang ang isang babae ang naaresto ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Las Piñas City,kamakalawa ng gabi.
Nakapiit sa custodial facility ng Las Piñas City Police Station ang mga suspek na kinilalang sina
Edna Rodriguez y Parohinog,alyas Edna;John Philip Curt Christopher Kit Holbert; at Cesar Ferrer,pawang nasa hustong gulang.
Sa pagsisiyasat ni SSg Alvin A. San Buenaventura, may hawak ng kaso, nagkasa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa pamumuno ni Lt. Jennifer Agustin sa 150-A, Pagasa Compound, Barangay Pilar, sa Las Piñas City na ikinaaresto ng mga suspek dakong 7:00 ng gabi.
Nasamsam sa mga suspek ang apat na pakete ng hinihinalang 2 gramo ng shabu na tinatayang P13,600 at P300 buy-bust money.
Agad na dinala sa SPD Crime Laboratory ang mga nakumpiskang ebidesniya upang suriin.
Sasampahan ang mga suspek ng kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Las Piñas Prosecutor’s Office.