ni Bella Gamotea

Napakasamay ng Taguig City Police ang dalawa sa tatlong lalaki na umano’y nangholdap at tumakay sa bisikleta ng kanilang biktima sa lungsod,kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Menandro Viñas, 26,binata,residente sa Barangay Central Signal, Taguig City at Raymond Ballasta,27,binata,laborer,ng Bgy. Western Bicutan sa nasabing lungsod habang nakatakas naman ang hindi pa kilalang suspek na kanila umanong kasabwat.

Sa ulat ng Southern Police District, naganap ang insidente sa kahabaan ng C-5 Waterfun,Bgy. Western Bicutan, sa Taguig City,dakong 3:13 ng madaling araw nitong Huwebes.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Naghihintay sa kanyang kaibigan ang biktima sa tabi ng bisikleta nito nang biglang pukpokin siya ng matigas na bagay sa likod ng kanyang ulo ng mga suspek.

Hindi pa nakuntento,sa pagbagsak umano ng biktima tinadyakan at binugbog pa siya ng mga suspek saka tinangay ang cell phone at silver mountain bike ng biktima.

Agad nakahingi ng tulong ang biktima sa mga nagpapatrulyang pulis kaya tinugis nila ang papatakas na tatlong suspek hanggang sa masakote sina Vinas at Ballasta at nakatakas naman ang kanilang kasabwat.

Narekober sa suspek na si Ballasta ang ninakaw na Real Me cell phone na nagkakahalaga ng P4,800 ng biktima.

Nakakulong ang dalawang suspek sa custodial facility ng Taguig City Police at nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings sa piskalya ng lungsod habang patuloy na pinaghahanap ng awtoridad ang ikatlong suspek.