NAKIPAGHATIAN ng puntos si Gio Troy Ventura kontra kay Juncin Estrella sa duel of fancied bets sa seventh round para makopo ang korona sa Boys Under 15 habang nagkampeon sina Jasper Faeldonia, Lovely Ann Geraldino at Ma. Elayza Villa sa kani-kanilang divisions sa 2021 National Youth & Schools Online Chess Championships - Southern Luzon Leg ages 17 years old and below (Boys & Girls) nitong Miyerkoles sa Tornelo platform.

Si Ventura, isang Grade 8 student ng Dasmarinas Integrated High School na suportado ang kanyang kampanya nina Rep. Elpidio "Pidi" Barzaga Jr. at national coach Fide Master Roel Abelgas ay tumapos ng 6 points mula sa account na five wins at two draws  para mag solo champion sa 10 minutes plus 5 seconds increment time control format sa event na binalangkas nina National Chess Federation of the Philippines Chairman/President Senior Deputy Speaker Prospero "Butch" Pichay Jr. at ng Philippine Sports Commission sa pakikipagtulungan ni NCFP Chief Operating Officer GM Jayson Gonzales na ang assistant ay sina NCFP Asst. Exec. Director Southern Luzon AGM Dr. Alfredo "Fred" Paez,  NCFP Asst. Exec. Director Northern & Central Luzon IA Reden Cruz, WFM Michelle Yaon at NA Susan Grace Neri.

"I am very, very happy and honoured to get this award again. It is always refreshing and exciting to win something," sabi ng 2018 Thailand Pattaya Youth Under-12 Champion na nag celebrate ng kanyang 14th birthday nitong Abril 8.

Si Ventura ay sariwa pa din sa nakopong  silver medal  sa Board 4 sa Under 14 Asian Nations Cup nitong Marso 27. Sa womens play ay giniba ni Geraldino si erstwhile co-leader Ruelle Canino para mag reyna sa Under-15 Girls category.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Second placer naman si Canino na napako sa 5 points, iskor na naitala nina 3rd placer Jersey Marticio at 4th placer Francesca Largo.

Si Villa naman ay nakipag draw kay Lexie Grace Hernandez sa final canto pata maangkin ang Under-17 Girls division tiara. Sina Villa at Hernandez ay nakapag marka ng tig 5.5 points subalit nakamit ng una ang titulo dahil