ni Beth Camia
Bunsod ng mahigpit na patakaran ng Pfizer lalo na sa isyu ng indemnification, lawyer to lawyer na ang transaksyon sa kasalukuyan ng gobyerno sa kumpanyang Pfizer.
Ito ang inihayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez na ayon sa kanya, halos tapos na ang negosasyon sa pitong kumpanyang maaaring mapagkunan ng bansa ng bakuna maliban sa Pfizer.
Ayon kay Galvez, tanging ang nasabing kumpanya na lang ang isinasapinal habang ang ibang kumpanya gaya ng Sinopharm ay nasa estado na ng processing.
Dagdag pa nito, may mga interesado na rin na mag-apply ng Emergency Use Authorization sa Sinopharm na siyang preffered brand ni Pangulong Rodrugo Duterte na maiturok sana sa kanya