ni Light A. Nolasco

PALAYAN CITY, Nueva Ecija-Dahil sa lumalalang pagkalat ng coronavirus disease sa bansa, napilitang magpalabas ng Exec.0rder No. 09, may petsang Abril 2, 2021, si City Mayor Adrianne Mae Cuevas na mahigpit na nagbabawal sa 'mass gatherings, liquorban at non-essesntial travel.         

Iniutos ng alkalde ang pagbabawal sa lahat ng uri ng pagti-tipon, na hihigit sa sampung katao, at bawal din ang non-essential travel para sa mga residenteng nasa labas ng lungsod.         

Aniya, total liquor ban sa pagbebenta ng alak o anumang alcoholicbeverages sa re-impose order lungsod.         

Eleksyon

Leren Bautista, waging nakabalik sa pangalawang termino bilang konsehal

"Hindi puwedeng makapasok sa loob ng ating teritoryo ang sinumangresidente, kung wala namang mahalagang dahilan o layunin para pumasok ng Palayan City" anang Alkalde.           

Nakabantay 24/7 ang ating kapulisan para sa mga lalabag sa mga alituntunin, ito ay para sa ating kaligtasan ng ating mga sarili at ng ating mga mahal sa buhay, giit pa ng alkalde.           

Base sa April 4, 2021 rekord, nakapagtala ang lungsod ng 14 na active cases ng COVID-19, 150 confirmed total infectious, 2 namatay at 134 ang naka-recovered sa sakit.         

Sa 20 barangays, Brgy. Militar ang may mataas na kaso na 46 ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 na sinundan ng Brgy. Singalat na may 23 kaso at Fort Magsaysay na may 16 na nagpositibo sa virus.           

Isang babae mula sa Brgy. Manacnac at isang lalaki mula sa Brgy.Ganaderia ang na-COVID-19 ang nadagdag sa listahan            

Payo at paalala ng alkalde, sa mga residente, sumunod pa tayo sa mga itinakdang minimum standard protocols para iwas sa hawahan, pai-ralin ang social distancing, laging magsuot ng tama ng face mask at faceshield at iwas sa mga matataong lugar, ayon sa alituntunin ng IATF at LGUs.