ni Beth Camia
Inaaksyunan na ng Malacañang ang insidente ng paniningil ng isang ospital ng P1,000 kada oras para sa mga pasyenteng gumagamit ng kanilang tent habang naghihintay na maiproseso ang kanilang pagpapa-admit.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, walang legal na basehan ang gayung naging pamamalakad ng pagamutan.
Hindi man binanggit ay sinabi naman ni Roque na alam na nila kung anong pagamutan ang subject sa kasalukuyang usapin.
Ito aniya’y iniimbestigahan na ng Department of Health na ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque ay mistulang isang “highway robbery.”
Kaugnay nito’y pati ang PhilHealth ay nagsasagawa na din ng pagrerepaso sa kanilang polisiya para matugunan ang mga COVID-19 patient na nasa hospital tents.