ni Bella Gamotea
Isang 61-anyos na lolo ang dinampot ng mga pulis matapos umanong magbenta ng hinihinalang ilegal na droga sa Las Piñas City nitong Martes.
Nakakulong sa custodial facility ng Las Piñas City Police at mahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek na si Ruben Lontoc, alyas Robin, 61, may asawa, dispatcher, at residente ng Muntinlupa City.
Sa ulat ng Southern Police District, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Lt. Gil Anos, sa Southland Road, Barangay Talon 1, sa Las Piñas City na ikinaaresto ng suspek dakong 4:00 ng hapon.
Sa inisyal na imbestigasyon ni Cpl Benigno Baladjay, may hawak ng kaso, binentahan umano ng suspek ng droga ang police poseur buyer na sanhi ng agarang pagkakaaresto ni Lontoc sa lugar.
Nasabat mula sa suspek ang dalawang pakete ng umano’y 3.5 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P23,800 at buy-bust money.
Sasailalim si Lontoc sa inquest proceedings sa Las Pinas Prosecutor’s Office ang suspek