AFP
Sinabi ng Facebook noong Martes na na-“scrape” ng mga hacker ang personal na data ng may kalahating bilyong users noong 2019 sa pamamagitan ng pagsasamantala sa isang feature na idinisenyo upang matulungan ang mga tao na madaling makahanap ng mga kaibigan gamit ang contact list.
Isang bulto ng impormasyon tungkol sa higit sa 530 milyong Facebook users ay ibinahagi nitong weekend sa isang hacker forum, na nagtulak sa nangungunang social network na ipaliwanag kung ano ang nangyari at manawagan sa mga tao na maging mapagbantay tungkol sa mga privacy settings.
"It is important to understand that malicious actors obtained this data not through hacking our systems but by scraping it from our platform prior to September 2019," sinabi ni Facebook product management director Mike Clark sa isang post.
"This is another example of the ongoing, adversarial relationship technology companies have with fraudsters who intentionally break platform policies to scrape internet services."
Kabilang sa data ang phone numbers, birth dates, at email addresses, at ang ilang data ay lumalabas na bago, ayon sa US media reports.
Hindi kasama sa ninakaw na data ang mga password o financial data, ayon sa Facebook.
Ang scraping ay isang taktika na nagsasangkot ng paggamit ng automated software upang makalikom ng impormasyong ibinahagi sa publiko sa online.
"All 533,000,000 Facebook records were just leaked for free," sinabi ni Alon Gal, chief technology officer sa Hudson Rock cybercrime intelligence firm, nitong Sabado sa Twitter.
"Bad actors will certainly use the information for social engineering, scamming, hacking and marketing," sinabi ni Gal sa Twitter.
Hinimok ni Clark ang mga miyembro ng social network na suriin ang kanilang mga privacy setting upang makontrol kung anong impormasyon ang maaaring makita sa publiko, at higpitan ang account security gamit ang two-factor authentication.