ni Bert de Guzman

Tinamaan din ng Covid-19 si dating Speaker Pantaleon Alvarez, matalik na kaibigan at kaalyado ni Pangulong Duterte.     

Ayon sa kanyang anak na babae na si Finance Assistant Secretary Paola Alvarez, nagpositibo ang ama, 63 anyos, ngunit hindi naman seryoso ang kondisyon.

"Siya ay nasa Davao del Norte at nagpapagaling sa bahay," ayon sa batang Alvarez.

ARTA, iraratsada website para sa reklamo sa mga ahensya ng gobyerno

Siya ang pinakahuling kasapi ng Kamara na tinamaan ng virus kasunod nina Majority Leader Martin Romualdez (Leyte), Edgar Erice (Caloocan), Mike Defensor (Anakalusugan party-list) at Jocelyn Syn Limkaichong (Negros Oriental).       Isang mambabatas ang namatay dahil sa COVID-19 nitong 18th Congress. Siya ay si Rep. Francisco Datol (Senior Citizens party-list) na pumanaw noong Agosto 2020.