ni Danny Estacio

PAGSANJAN, Laguna— Inihayag ni Pagsanjan Mayor Peter Casius Trinidad na gagawing 'cash ' ang ipapamahagi ayuda sa mga residente ng bayang ito na apektado ng NCR Plus bubble na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ)

Ayon kay Trinidad, ito ay batay sa napagkasunduaan ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan at mga punong barangay sa isinagawang pagpupulong.

At ang napagkasunduan na ibigay sa halip na goods ay pera na lamang, ayon kay Trinidad.

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!

Ang nasabing ayuda ay mula sa national government base sa utos ni Pangulong Rodrigo R. Duterte.

Nasa P35,777,000 ang kabuuang halaga ng ayuda na inilaan ng pamahalaang nasyunal para sa bayang ito.