AFP
Nagwelga ang mga prostitute sa lungsod ng Belo Horizonte sa timog-silangan ng Brazil sa loob ng isang linggo, hinihiling na maisama sa pangkat ng front-line workers na tumatanggap ng mga pangunahing bakuna sa coronavirus.
Libu-libong sex workers sa lungsod ang napilitang maghanap ng mga kliyente sa mga lansangan dahil sa pagsasara ng mga hotel - kung saan sila ay nagrenta ng mga silid upang ibenta ang kanilang serbisyo - resulta ng pandemya.
"We are in the front line, moving the economy and we are at risk," sinabi ni Cida Vieira, president ng Association of Prostitutes of Minas Gerais state, sa AFP. "We need to get vaccinated."
Si Vieira at iba pang mga kababaihan ay nagsagawa ng protesta noong Lunes sa isang kalye kung saan nakahilera ang mga nagsaran hotel na ginagamit nila sa kanilang kalakal, nagtaas ng mga plakard na nagdedeklara na: “Sex workers are professionals" at "Sex work and health."
"We are part of the priority group because we deal with various types of people and our lives are at risk," sinabi ni Lucimara Costa, isa sa mga nagpoprotestang prostitutes.
Binigyan ng priyoridad ng gobyerno ang health workers, guro, matatanda, katutubo at tao na may mga kondisyon sa kalusugan para sa unang yugto ng pagbabakuna.
Inaasahan nitong mabakunahan ang mga prayoridad na pangkat na ito, nasa 77 milyong katao, sa unang kalahati ng 2021, ngunit sinabi ng mga eksperto na maaari itong tumagal hanggang Setyembre dahil sa kakulangan ng dosis.
"We are a priority group, we are health educators, peer educators. We form part of that group, since we give information about STIs for men, distribute condoms..." sinabi ni Vieira.
Tulad ng natitirang bahagi ng Brazil, ang estado ng Minas Gerais ay nakikipaglaban sa pangalawang alon ng pandemya, ngunit ang bilang ng mga namatay sa bawat 100,000 na naninirahan, sa 121, ay kabilang sa pinakamababa sa bansa.
Ang Covid-19 pandemic ay kumitil ng higit sa 332,000 buhay sa Brazil, isang bilang na pangalawa lamang sa United States