ni Jun Fabon

DALAWA sa apat na electrician na gumagawa sa MRT7 ang nasawi nang

masagasaan ng rumagasang van sa Quezon City, iniulat kahapon ng

traffic sector 5.

Eleksyon

Sen. Risa sa pagkapanalo ni Ex-VP Leni: ‘May kasangga na naman tayo sa good governance!’

Base sa ulat ni PCapt. Pio Mentejo Torrecampo, hepe ng TS5 ng Quezon

City District Traffic Enforcement Unit (QCDTEU),kinilala ang mga

napatay na sina Elmer Palma,51 -anyos ng Batangas, electrician ng EEI

Corporation at kabaro na si Abelardo Dayao,51-anyos ng Barangay Holy

Spirit, QC.

Habang nakaratay sa Gen. Malvar Hospital ang 2 kasamang electrician ng

EEI na sina Roderick Orbon,35-anyos ng Baesa,QC at Rolly A. Telan, 46

-anyos ng San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Kusa namang sumuko kay PSSgt. Jonathan M. Gatan ng TS5 ang akusado na

si Jonaldo Llamedo, 35-anyos, driver ng Izuzu Crosswind (TAO-545),

tubong Surigao Del Norte at naninirahan sa  No.1 JP Rizal St., Brgy.

Calumpang, Marikina.

Sa ulat ni PCapt. Torrecampo, dakong alas- 9:10 kamakalawa ng umaga,

habang gumagawa ng electrical ang apat na empleyado ng EEI sa

ginagawang MRT7 sa may Commonwealth Avenue sa tapat ng tanggapan ng

Commission on Audit (COA) nang bigla na lamang sinagasaan ang mga

biktima ng rumagasang sasakyan na minaneho ni Llameda.

Ayon sa akusadong si Llamedo, galing umano siya sa San Jose Del Monte,

Bulacan kung saan naglamay siya sa kaibigan nito namatayan ng ina.

Sa imbestigasyon, matulin na binaybay ng akusado ang south bound lane

ng Commonwealt Aveneu at pagsapit sa pagitan ng bahagi ng Brgy. Holy

Spirt sa harapan ng COA, naidlip umano si Llamedo at nasagasaan niya

sa may tabi ng kalsada ang apat na workers ng EEI na ikinasawi noon

din nina Palma at dayan habang malubhang nasugatan ang mga kabaro na

si Orbon at Telan.

Himas - himas ngayon ni Llameda ang rehas na bakal sa selda ng TS5

makaraan agad na kinasuhan sa QC Prosecutor Office ng   Reckless

Imprudence Resulting to Multiple Homicide and physical injuries w/

damage to property.