HIGIT isang taon mula nang umusbong, naging mas malinaw ang laganap at pangmatagalang pinsala na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ang ‘di pagkakapantay sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan ay higit pang lumawak, dulot ng hindi patas na pasanin dinadala ng kababaihan na mas marami ang nawalan ng trabaho at ang tungkulin sa pangangalaga ng anak na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Global Gender Gap Report 2020 of the World Economic Forum (WEF) na siyang nababantay sa pagkakaiba sa kasarian sa 156 na bansa sa apat na larangan—edukasyon, kalusugan, ekonomikal na oportunidad at kapangyarihang politikal—aabutin ng 135.6 taon bago maabot ang gender gap, kumpara sa 99.5 taon na base sa mga nakalipas na pagtataya. Itinatag ng WEF noong 2006, layon ng ulat na lumikha ng pandaigdigang kaalaman hinggil sa pagsubok na dala ng gender gap at ihayag na kung wala ang pagkakapantay sa kasarian, hindi susulong ang ekonomiya at lipunan.
Paano tumutupad ang Pilipinas?
Nananatiling nangunguna ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya, sa ika-16 na puwesto, ang tanging Asyanong bansa na kabilang sa top 20. Bumaba ang bansa ng walong puwesto mula sa 2019 ranking.
Sa datos ng Philippine Commission for Women (PCW), nailapit ng Pilipinas sa 78 porsiyento ang pangkalahatang gender gap, na nakakuha ng iskor na 0.781 (bumaba ng1.8 percentage points mula .799 noong 2019).
Kapansin-pansin ang magandang takbo ng Pilipinas sa usaping ito.
“It has closed 80 percent of the Economic Participation and Opportunity gender gap, with women outnumbering men in senior and leadership roles, as well as in professional and technical professions. It is only one of four countries to achieve this feat. The country ranks 5th on the indicator assessing gender wage equality, with a score of 81.2,” ayon sa ulat.
Dapat din mabatid na napaliit ng bansa ang gender gaps sa usapin ng educational attainment at kalusugan at survival. Dagdag pa ng PCW: “Female life expectancy is five years longer than male, while the literacy rate is above 98 percent for both sexes. A larger percentage of women and girls are enrolled in tertiary and secondary education.”
Kailangan pa bang hintayin ng mundo ang panibagong siglo bago matamo ang gender equality?
Malinaw, na kailangang ikonsidera ang pagbabago ng hakbang.
Sa The Real Wealth of Nations, isinusulong ni Dr. Riane Eisler, tagapagtatag ng Center of Partnership Studies ang pagbabago ng polisiya at gawi sa ekonomiya na nakatuon sa kahalagahan ng pagpapalakas sa mga tao na nasa gawain ng pangangalaga, pamumuhunan sa “early childhood” at pagsandal sa bagong pamamaraan ng economic health. Nangangahulugan ito ng pagtutok sa “household economy” upang ang trabaho ng kababaihan at mga ina sa pangangalaga ng tahanan at anak ay tamang makilala sa pagsukat ng national income (GDP).
Higit sa pagsusulong ng napipintong Fourth Industrial Revolution, mainam na makinggan ng WEF ang rekomendasyon ni Dr. Eisler: “What is needed is a caring economics that recognizes that real wealth is not financial but consists of the contributions of people and of nature and where economic policies and practices support caring for both.”