ni Bella Gamotea

Matapos matanggap ng Taguig City Government ang emergency assistance mula sa national government nitong Abril 5, agad sisimulan ang pamamahagi ng ayuda kabilang ang stay-at-home packs at hygiene kits sa mga residente sa lungsod, ngayong Miyerkules, Abril 7.

Layunin ng emergency assistance na magbigay ng ayuda sa mga mamamayang apektado ng kasalukuyang pagpataw ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Agad na inutos ni Mayor Lino Cayetano ang agarang pagproseso at paggawa ng listahan ng mga benipisyaryo. Ayon sa Joint Memorandum Circular No. 1, Series of 2021 na nilabas ng DILG, DSWD at DND, ang pamahalaang lokal ay magbibigay ng ayuda sa mga benepisyaryo ng

Kiko Pangilinan, nakiramay sa pagpanaw ni Johnny Dayang

Social Amelioration Program sa ilalim ng Bayanihan Act 1 at karagdagang beneficiaries ng emergency subsidy batay sa Section 4, (f) 3 ng Bayanihan Act 2;SAP wait-listed beneficiaries;

mga kabilang sa vulnerable groups gaya ng mga low-income individuals na walang kasama, PWDs, solo parents at iba pa; at iba pang indibidwal na apektado ng ECQ na matutukoy ng LGU kung meron pang natitirang pondo.

Tuloy pa rin ang pamimigay ng 3-day stay-at-home food packs at hygiene kits ng pamahalaang lungsod sa bawat pamilyang Taguigeño na sinimulan noong Marso 29.

Noong nakaraang taon, naglabas ang lungsod ng Taguig Amelioration Program (TAP) na financial assistance na P4,000 sa lahat ng hindi nakatanggap ng SAP at apat na rounds ng stay-at-home food packs