AFP

Pinaghahanap ng mga tagaligtas ang dose-dosenang mga tao na nawawala pa noong Martes matapos ang pagbaha at pagguho ng lupa na sumakop sa mga nayon sa Indonesia at East Timor, pinatay ang higit sa 160 katao at naiwan ang libu-libo pang mga wala ng tirahan.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang malakas na pag-ulan mula sa Tropical Cyclone Seroja ay ginawang lupa ng putik ang maliliit na komunidad, binunot na mga puno at nagpalikas sahumigit-kumulang 10,000 katao patungo sa mga kanlungan sa kalapit na mga bansa sa Timog Silangang Asya.

Sinabi ng disaster management agency sa Indonesia na naitala nito ang 130 pagkamatay sa isang kumpol ng mga malalayong isla malapit sa East Timor, kung saan 34 pa ang nadagdag sa opisyal na nakalista bilang patay mula nang maganap ang kalamidad noong Linggo.

Ang search and rescue teamssa Indonesia ay nagkukumahog upang mahanap ang higit sa 70 mga taong nawawala pa rin at gumagamit ng mga digger upang malinis ang mga bundok ng mga basura.

Tinangay ng bagyo ang mga gusali sa ilang mga nayon pababa ng isang bundok at parungo sa baybayin sa isla ng Lembata, kung saan ang ilang maliliit na pamayanan ay natanggal sa mapa.

"This area will never be inhabited again," sinabi ni Lembata district official Eliyaser Yentji Sunur, na ang tinutukoy ay ang napatag na bahagi ng Waimatan village.

“We won't let people live here. Like it or not, they'll have to relocate."

Ang residente ng Waimatan na si Onesimus Sili ay nagsabi na winasak ng pagbaha noong Linggo ang kanyang komunidad bago malaman ng sinuman ang nangyayari.

"Around midnight, we heard a very loud rumbling sound and we thought it was a nearby volcano erupting," aniya sa AFP.

“By the time we realised that it was a flash flood, the houses were already gone."

Ang mga awtoridad sa parehong mga bansa ay nagmamadaling mabigyan ng masisilungan ang mga bakwit habang pinipigilan ang anumang pagkalat ng Covid-19.