ni Jun Fabon
Sa halip na tuligsain, kailangan sa ngayon ng mga government workers ay mabigyan ng inspirasyon at hikayatin pang lalong magsumikap na labanan ang pandemya ng COVID-19.
Ito naman ang birada ni DILG Undersecretary Epimaco Densing III bilang tugon sa mga panukala ni Vice President Leni Robredo hinggil sa kung paano mapaghuhusay ang anti-virus measures ng bansa.
Binatikos din ni Densing si Robredo at tinawag na ‘non-essential’ kaugnay sa isyu kung essential ba ang lugaw o hindi.
“It (reminded me of) the non-essential statements of the (Vice) President these past weeks, attacking our government, making unvetted statements instead of inspiring and encouraging us to work hand to fight this pandemic,” ayon sa opisyal, sa isang panayam sa telebisyon.
Aniya, sa bansang Pilipinas ay nasisiraan ng loob ang mga empleyado ng pamahalaan kapag ang kanilang sakripisyon para sa bayan at mamamayan ay hindi pinahahalagahan ng opisyal ng gobyerno.
Sana sa halip na hind pahalagahan ni Robredo ang mga sakripisyo at lahat ng ginagawa ng pamahalaan laban sa Covid -19 Pandemya attumulong na lamang siya upang magkaroon ng pag-asa ang mga health workers at mga taga pamahalaa.
Nilinaw naman ni Densing na handa naman ang pamahalaan na tumanggap ng mga kritisismo ngunit dapat na totoo ito at beripikado.
Iginiit din niya na ang mga programang ipinapanukala ni Robredo ay ipinatutupad na ngayon ng pamahalaan.
Aniya pa, ang mga pahayag nito ay hindi patas sa mga taongnagtatrabaho sa pamahalaan na ang kailangan aniya ay ma-inspired at mahikayat pang lalo na magsumikap.