ni Fer Taboy
Pinalakas pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang checkpoint operations sa boundaries papasok at palabas ng NCR Plus Bubble ngayong pinalawig ng isang linggo ang enhanced community quarantine (ECQ) sa mga nasabing lugar.
Pinalakas ang checkpoint operations sa Police Regional Office (PRO)-3 sa mga boudaries ng papasok at papalabas ng NCR Plus Bubble ngayon pinalawig ng isang linggo ang enhanced community quarantine sa mga lugar na nagdurugtong sa mga bayan na papasok at papalabas sa NCR Plus.
Ayon kay Police Brig. Gen Val Deleon, director ng PRO-3, kahit hindi kasama ang kaniyang area sa ECQ, kanilang sisiguraduhin na walang makakalabas at makakapasok na mga indibidwal.
Sinabi ni De Leon na mga essential delivery at authorized persons outside residence (APORs) lamang ang kanilang pinalalagpas sa checkpoints.
Ayon kay De Leon,nmahigpit ang direktiba ni PNP Chief Gen. Debold Sinas sa kanila na mga regional police directors ng PRO-3, PRO-4A Calabarzon at NCRPO na tiyakin na nasusunod ang IATF guidelines sa implementasyon ng ECQ.
Pinuri ni Sinas ang pagsisikap ng mga pulis mula sa tatlong rehiyon.
Sa kabila ng pagtutok ng PNP sa pagpapatupad ng ECQ, tuloy pa rin ang kanilang law enforcement operations lalo na ang kampanya laban sa iligal na droga.
Samantala, dahil sa pinalawag na ECQ sa NCR Plus Bubble, nag-alok ng libreng sakay ang pamunuan ng NCRPO para sa mga essential workers na lubhang naapektuhan ng lockdown.
Ayon kay NCRPO chief MGen. Vicente Danao, kanilang pinagana ang mga patrol cars at trucks na siyang ginagamit sa pagbibigay ng libreng sakay sa loob ng Metro Manila.
Maximum deployment naman sa mga police personnel sa mga kalye at boundaries.
Ang libreng sakay ng NCRPO ay magpapatuloy hanggang sa huling araw ng ECQ.
Tiniyak pa ni Danao na striktong inoobserbahan ang minimum health and safety protocols lalo na ang social distancing, pagsuot ng face mask at face shield.