Ni Jhon Aldrin Casinas
Binigyang diin ng isang infectious disease expertang kahalagahan ng pagbabakuna ng mga nasa mahina na sektor, hindi lamang upang maprotektahan sila mula sa pagkakaroon ng impeksyon sa coronavirus, ngunit upang maiwasan din silang mamatay.
Si Dr. Rontgene Solante, pinuno ng Adult Infectious Diseases and Tropical Medicine unit ng San Lazaro Hospital, ay nagsabi na ang Department of Health (DOH) ay naglabas ng mandato upang mapahusay ang kampanyan ng pagbabakuna sa mga lugar na may mas mataas na bilang ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).
Ang gobyerno ay nagsasagawa ng pagbabakuna sa mga higit na may panganib sa virus tulad ng healthcare workers, mga nakatatandang mamamayan, at mga may comorbidity.
“The impact of COVID-19 vaccines in protecting these people in terms of developing the COVID is not just because we will prevent them from getting the infection,” sinabi ni Solante sa virtual press briefing ng DOH noong Martes, Abril 6.
“The main bottom line here is preventing them from dying,” dagdag ni Solante, na miyembro rin ng vaccine panel ng bansa.
Sinabi ni Solante na ang ilan sa mga bakuna ay naipamigay na sa mga lugar sa loob ng National Capital Region (NCR) Plus bubble, na inilagay sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa pagdagsa sa mga kaso ng COVID-19.
Naniniwala siya na ang pagbabakuna ay isang paraan ng pagbawas ng rate of transmission sa pamayanan, at sa pagbawas ng paghahawa, pinoprotektahan din ang mga mahina sa virus.
Sinabi ni Solante na marami sa mga pasyente na naospita dah sa COVID-19 ay ang mga may edad na 60 taong gulang pataas at ang may comorbidity.
“Ang taas talaga ng mortalities nila and in fact it’s like a 50-50 chance that if they develop critical, 50 percent chance that they will live or 50 percent they will die because in itself the presence of these comorbidity and mortalities will really be a difference from survival and death,” aniya.