AFP
Higit sa 1,800 preso ang nakatakas matapos umatake ang isang armadong gang sa isang bilangguan sa southern Nigeria gamit ang mga pampasabog, sinabi ng mga awtoridad sa correctional noong Lunes, sa isa sa pinakamalalaking jailbreaks ng bansa sa West Africa.
Nagpasabog ang mga nag-atakepapasok sa kulungan ng Owerri sa estado ng Imo, nakipagbarilan sa mga guwardya at pinalabas ang mga preso, sinabi ng awtoridad ng national corrections sa isang pahayag.
"I can confirm that the Imo State command of the Nigerian Correctional Service was attacked by unknown gunmen in Owerri," sinabi ni Imo state corrections service spokesman James Madugba sa AFP, idinagdag na ang bilang ngmga umeskapong preso ay hindi pa nakumpirma.
"The situation is under control," sinabi niya.
Dumating ang mga sumalakay sakay ng mga pickup trucks at bus bago sumugod sa pasilidad, sinabi ng awtoridad.
Walang pangkat na umako sa pag-atake, bagaman tinawag niPresident Muhammadu Buhari ang pag-atake na isang "act of terrorism" na isinagawa ng "anarchists" at hinimok ang mga puwersang panseguridad na hulihin ang mga sumalakay at mga nakatakas na bilanggo.